Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lider ng CPC, nakipag-usap sa mga bisita mula sa Laos at Indonesya

(GMT+08:00) 2015-10-15 11:23:52       CRI

Sa magkahiwalay na okasyon, nakipag-usap kahapon sa Beijing si Liu Yunshan, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina(CPC) sa kanyang conterpart mula sa Lao People's Revolutionary Party(LPRP) na si Pany Yathotu, at Tagapangulo ng Indonesian Democratic Party-Struggle(PDIP) na si Megawati Soekarnoputri.

Nang kausapin si Pany, sinabi ni Liu na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Laos, para tupdin ang kasunduang narating ng mga kataas-taasang lider ng dalawang bansa, palalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng mga partidong pulitikal at pamahalaan, at isakatuparan ang konektibidad ng dalawang panig sa balangkas ng estratehiyang "Silk Road Economic Belt at Silk Road sa Karagatan sa ika-21 Siglo" o "One Belt, One Road" para pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.

Ipinahayag naman ni Pany ang pagpahalaga sa relasyon ng CPC at LPRP, at estratehiyang "One Belt, One Road." Nananalig aniya siyang makikinabang ang Laos at mga may-kinalamang bansa mula sa estratehiyang ito, at ito rin ay makakatulong sa kapayapaan ng daigdig.

Sa pakikipag-usap kay Megawati, sinabi ni Liu na bilang estratehikong katuwang ng Tsina, ang ASEAN ay kaibigan ng Tsina sa karagatan. Aniya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Indonesya para palalimin ang kanilang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, na kinabibilangan ng pagpapasulong ng nasabing estratehiya. Samantala, positibo aniya ang CPC sa pagpapahigpit ng pakikipagtulungan sa PDIP sa ibat-ibang antas, para ibayo pang pasulungin ang relasyon ng dalawang partido.

Ipinahayag naman ni Megawati na bilang saksi at tagasunod sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Indonesian, positibo siya sa tagumpay na natamo ng Tsina sa ibat-ibang larangan. Aniya, ipagpapatuloy ng kanyang partido ang pakikipagkaibigan sa Tsina, at gagawa din ito ng sariling ambag para sa pagpapasulong ng estratehiyang "One Belt at One Road."

Ang nasabing mga lider ay dumalo rin sa Asian Political Parties' Special Conference on Silk Road, na idinaos Beijing.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>