Ipinahayag kahapon ni Maria Zakharova, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Rusya na ang air raid na isinagawa ng Rusya sa Syria ay naglalayong bigyang-dagok ang organisasyong teroristiko at pasulungin ang prosesong pulitikal ng bansa. Ito aniya ay hindi dibersyon para maalis ang pokus ng komunidad ng daigdig sa isyu ng Ukraine. Sinabi niyang nitong ilang taong nakalipas, inilalaan ng Amerika ang malaking lakas manggagawa at kinakailangang materyal para lutasin ang krisis ng Syria, pero, lumalala ang kalagayan doon.
Ayon sa kahilingan mula sa Syria, sinimulang isagawa ng Rusya ang air raid laban sa sangay ng ekstrimitang organisasyon ng Islamic State sa loob ng bansa, mula noong ika-30 ng Setyembre.
Ipinahayag din kamakalawa ni Punong Ministrong Alexander Medvedev ng Rusya na ang kasalukuyang aksyong militar sa Syria ay para bigyang-dagok ang terorismo, at para sa pangangalaga sa pambansang interes ng Rusya.