Sinabi kahapon ni Tagapagsalita Igor Konashenkov ng Ministri ng Tanggulan ng Rusya, na isinagawa kamakalawa ng mahigit 50 eroplano ng hukbong panghimpapawid ng kanyang bansa ang air raid sa mga lugar na hawak ng Islamic State (IS) sa loob ng Syria.
Ayon kay Konashenkov, winasak sa naturang air raid ang ilang pasilidad ng IS na kinabibilangan ng isang pamunuan sa hilagang kanlurang bahagi ng Syria, at isang pabrika ng bomba at pampasabog sa gitnang bahagi.
Samantala, ayon naman sa ulat kahapon ng Pentagon, idinaos nang araw ring iyon ng Amerika at Rusya ang unang round ng diyalogo hinggil sa operasyong militar laban sa IS.
Sinabi ni Peter Cook, Tagapagsalita ng Pentagon, na tinalakay ng dalawang panig ang hinggil sa pagtatakda ng code of conduct hinggil sa mga operasyong militar sa himpapawid ng Syria, para iwasan ang misunderstanding at misjudgement sa operasyon ng isa't isa.
Salin: Liu Kai