Gaganapin sa ika-8 ng susunod na buwan ang pambansang halalan ng Myanmar. Mula noong nakaraang Sabado, sinimulang tanggapin ng Embahador ng Myanmar sa Hapon na nasa Tokyo, ang boto ng mga botante sa ibayong dagat. Ayon sa ulat, halos isang libong lehitimong botante ang bumoto nang araw ring iyon. Isinalaysay ng may-kinalamang personahe na tatagal hanggang ika-23 ng buwang ito ang pagboto.
Ayon sa Ministring Panlabas ng Myanmar at lokal na media, halos 34 libong botante ng Myanmar ang nag-aplay para isagawa ang pagboto sa ibayong dagat.
Salin: Li Feng