Ipinahayag ni Hugo Swire, Ministrong Panlabas ng Britanya ang mainit na pagtanggap sa ginagawang pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang bansa.
Sa news briefing, sinabi ni Swire na ito ang unang bihaye ng isang puno ng estado ng Tsina nitong 10 taong nakalipas. Magpapasulong aniya ito ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa sa kultura, kabuhaya't kalakalan at mga isyung pandaigdig.
Idinagdag pa ni Swire na ginamit ni Punong Ministro David Cameron ang salitang "ginuntuan" para ilarawan ang partnership na Sino-Britaniko at sa tingin niya napakabuti ang kahulungan ng "ginintuan".
Sa paanyaya ng Kanyang Kamahalan, Reyna Elizabeth II, nagsasagawa ngayon ng kanyang opisyal na dalaw-pang-estado sa Britanya si Pangulong Xi.
Salin: Jade
Pulido: Rhio