Mula ika-19 hanggang ika-23 ng kasalukuyang buwan, isasagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa Britanya. Ayon sa Ministring Panlabas ng Britanya, sa panahon ng nasabing biyahe, bibisita ang Pangulong Tsino sa Chequers, official country villa ni Punong Ministro David Cameron ng Britanya. Doon, mag-uusap sina Xi at David Cameron.
Ayon sa opisyal na pahayag ng Britanya, lubos nitong pinahahalagahan ang nasabing biyahe ni Xi, at tatanggapin nito ang Pangulong Tsino sa mataas na lebel. Sa gaganaping 4 na araw na pagdalaw, magtatagpo sa Buckingham Palace sina Xi at Kanyang Kamahalan Queen Elizabeth II, at idaraos ang opisyal na pakikipag-usap kay Cameron sa 10 Downing Street.
Salin: Li Feng