Ipinahayag kamakailan ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia na nitong ilang taong nakalipas, mabilis ang pag-unlad ng digital economy ng bansa. Noong 2014, ang nasabing ekonomiya ay umabot sa 17% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.
Sa seremoya ng pagbubukas ng Ika-27 Multimedia Super Corridor (MSC) Malaysia Implementation Council Meeting, sinabi ni Najib na nitong halos dalawang dekadang nakaraan, sapul nang itatag ang MSC, pambansang proyekto para mapasulong ang Information and Communication Technology (ICT) ng bansa, noong 1996, nakapagdulot ito ng 295 bilyong Ringgit o 69 na bilyong dolyares na kitang pangkabuhayan para sa Malaysia; kasabay nito, nakaakit ito ng 883 bilyong Ringgit o 66 na bilyong dolyares na puhunang dayuhan at nakalikha rin ng mahigit 147,000 trabaho. Idinagdag pa niyang nakikinabang dito ang mga mamamayang nasa Bottom 40% ng income pyramid ng bansa.
Ang MSC ay itinuturing na batayan ng digital economy ng Malaysia. Ayon sa Digital Malaysia, magiging digital economy ang bansa, sa taong 2020.
Salin: Jade
Pulido: Rhio