|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpati kahapon sa Parliamentong Britaniko, binigyang diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pag-asang mapapalakas ng Tsina at Britanya ang pagpapalitan, pag-uunawaan, pagkakaibigan at pagkakatigan, para pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa isang bagong antas.
Sinabi ng Pangulong Tsino, na magsimula nang tumapak siya sa lupa ng Britanya, nakita agad niya ang mapagkaibigang relasyong Sino-Britaniko na puno-puno ng sigla. Ito aniya ang nagpapalakas sa kanyang kompiyansa at pananabik sa ibayo pang pagpapasulong ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa, sa pamamagitan ng kasalukuyang pagdalaw.
Tinukoy ni Pangulong Xi na kasalukuyang pinapasulong ng Tsina ang pangangasiwa sa estado, alinsusod sa batas, para pabilisin ang pagtatatag ng sosyalistang sistemang pambatas na may katangiang Tsino. Ibayo rin aniyang pinapasulong ang lehislasyon sa siyentipikong paraan, at mahigpit na pinapatupad ang katarungang pambatas, at pinalalakas ang kaisipang pambatas ng mga mamamayan. Magiging malawak aniya ang pagtutulungan ng mga departamentong pambatas ng dalawang panig sa usaping ito.
Binigyang-diin ni Xi na ang pag-uunawaan, pagkakatigan at pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino at Britaniko ay ang pinanggagalingan ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Britanya; samantala, ang pagsasakatuapran ng kapayapaan at kaunlaran para sa magkakasamang pag-unlad at kasaganaan ay siya namang pangunahing tunguhin ng daigdig. Ang mga ito aniya'y magbibigay sa Tsina at Britanya ng bagong pagkakataon sa ibayo pang pagpapasulong ng kanilang estratehikong partnership sa ibat-ibang larangan.
Ipinahayag din ng Pangulong Tsino na gumaganap at gaganap ng mahalagang papel ang Parliamentong Britaniko sa pagpapalawak ng pagpapalitan at pagpapasulong ng pagtutulungan ng dalawang bansa.
Bilang pagsunod sa mapagkaibigang relasyong Sino-Britaniko, inaasahan ni Xi na gagawa ng sariling ambag ang mga mambabatas na Britaniko para sa mas maliwanag, masigla at magandang pagtutulungan ng dalawang bansa sa hinaharap.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |