Dumating kagabi, local time, sa London, Britanya, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para pasimulan ang kanyang dalaw-pang-estado sa bansang ito.
Sa paliparan, sinabi ni Xi na ang pagpapalalim ng relasyong Sino-Britaniko ay hindi lamang angkop sa saligang interes ng dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan, kundi angkop din sa tunguhin ng panahon.
Umaasa aniya siyang sa panahon ng pagdalaw, magkakaroon siya ng pagkakataon para makipagpalitan ng palagay sa mga lider Britaniko hinggil sa bilateral na relasyon at mga isyung panrehiyon at pandaigdig. Inaasahan din aniya niya ang pakikipagtagpo sa mga personahe mula sa iba't ibang sirkulo ng Britanya. Ito aniya ay para balangkasin ang bagong plano sa kooperasyong Sino-Britaniko; at para mas makinabang sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa ang kani-kanilang mga mamamayan, at magbigay ng bagong ambag sa kapayapaan, katatatagan, at kasaganaan ng daigdig.
Ang London ay ang unang stop sa biyahe ni Xi sa Britanya. Pagkatapos nito, bibisita rin siya sa Manchester.
Salin: Liu Kai