Idinaos kahapon sa London ang preskon tungkol sa pormal na pagpapalabas ng documentary film-"Confucius" na magkasamang ginawa ng Tsina at Britanya.
Sa preskon, ipinahayag ni Guo Weimin, Pangalawang Direktor ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, na ang Tsina at Britanya ay pangunahing kinatawan ng oriental at bansang kanluranin na may mahabang kasaysayan at masaganang sibilisasyon. Aniya pa, pawang nakapagbigay ng mahalagang ambag sa pag-unlad ng buong sangkatauhan. Ang documentary film "Confucius" ay isang classic na obra para sa mga manonood sa loob ng Tsina at bansang dayuhan, at isa ring bagong paraang pangkooperasyon sa pagitan ng Tsina at Britanya.
Napag-alamang ang nasabing pelikula ay kauna-unahang documentary film, ang role ay si Confucius at sa loob ng 90 minuto, naipakita nito ang buong buhay ni Confucius, sistema ng kanyang ideya at malaking epekto nito sa kasalukuyan.