Kasama si Prince William ng Britanya at ang kanyang maybahay, bumisita kahapon, local time, sa London, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina at First Lady Peng Liyuan, sa Creative Industry Exhibition ng dalawang bansa.
Sa panahon ng pagbisita, tinukoy ni Xi na dapat palakasin ng Tsina at Britanya ang pagpapalitang pangkultura, para palalimin ang pag-uunawaan ng dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan. Aniya pa, ang inobasyon ay kasalukuyang tampok sa pag-unlad ng Tsina, at gustong matuto ng Tsina sa masaganang karanasan ng Britanya sa creativy industry, para pasulungin ang sariling usapin ng inobasyon.
Ipinakikita sa naturang eksibisyon ang mga kooperatibong proyekto ng Tsina at Britanya sa creativy industry, na gaya ng mga zero-emission bus at taxicab na magkasamang ginawa ng mga bahay-kalakal na Tsino at Britaniko.
Salin: Liu Kai