Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 4th International Conference on Challenge for Poverty and Development for Kids, na idinaos kahapon sa Beijing, ipinahayag ni Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina na nitong ilang taong nakalipas, buong lakas na nagsisikap ang Tsina para pabutihin ang kalagayan ng mga kabataan, sa mga larangang gaya ng kalusugan, edukasyon at iba pa. Aniya, bilang priyoridad ng saligang patakaran ng bansa, ipagpapatuloy ng Tsina ang usaping ito para ilatag ang matibay na pundasyon ng pambansang kaunlaran sa hinaharap.
Binigyang-diin din ni Liu na nakahanda ang Tsina na pahigpitin ang pakikipagpalitan sa ibat-ibang bansa sa daigdig, at nakahanda rin itong pumulot ng mahahalaga at matatagumpay na karanasan sa isyu ng kabataan.
Ang tema ng naturang kumperensiya ay "Pagbibigay-pansin sa Pagpapabuti ng Kabataan, Pagpapasulong sa Katarungan ng Lipunan." Dumalo sa pagtitipong ito ang mahigit 600 kinatawan, mula sa 34 bansa at 20 organisasyong pandaigdig.