|
||||||||
|
||
Sa Hefei, Lalawigang Anhui ng Tsina—Pormal na sinimulan dito kaninang umaga ang biyahe ng mga pangunahing media ng 10 bansang ASEAN at mahahalagang pandaigdigang media ng Tsina. Ang aktibidad na ito ay naglalayong koordinahin ang pagpapatupad ng mungkahi ng Tsina hinggil sa "Silk Road Economic Belt" at "21st Century Maritime Silk Road" o "One Belt One Road." Ito rin ay para sa pagpapahigpit ng pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng Lalawigang Anhui ng Tsina at ASEAN.
Nagtalumpati sa seremonya ng pagsisimula si Zhang Zongliang, Opisyal ng Publicity Department ng Anhui Provincial Committee ng Partido Komunista ng Tsina
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagsisimula, ipinahayag ni Zhang Zongliang, Opisyal ng Publicity Department ng Anhui Provincial Committee ng Partido Komunista ng Tsina, na kasabay ng pagpapatupad ng mungkahi ng "One Belt One Road," patuloy na humihigpit ang kooperasyon ng Anhui at ASEAN. Ayon sa di-kompletong estadistika, 58 bahay-kalakal ng Anhui ay namuhunan sa ASEAN, at lumampas na sa 500 milyong dolyares ang kabuuang halaga ng pamumuhunan nila. Mula noong Enero hanggang Hunyo ng taong ito, 340 milyong dolyares naman ang ipinuhunan ng mga bahay-kalakal ng ASEAN sa Anhui.
Nagtalumpati sa seremonya ng pagsisimula si Bou Vannarith, Puno ng delegasyon ng mga media ng ASEAN at Pangalawang Presidente ng Pambansang Radyo ng Kambodya
Sinabi naman ni Bou Vannarith, Puno ng delegasyon ng mga media ng ASEAN at Pangalawang Presidente ng Pambansang Radyo ng Kambodya, ang biyaheng ito ay nagkakaloob ng pagkakataon para sa malalimang pag-uunawaan ng mga media ng ASEAN sa larangan ng kasaysayan, kultura, pag-unlad ng lipunan at kabuhayan, at pamumuhay ng Tsina.
Ang naturang aktibidad ay magkakasamang itinataguyod ng China Radio International (CRI), Publicity Department ng Anhui Provincial Committee ng Partido Komunista ng Tsina, at Xinhua News Agency—Asia-Pacific Regional Bureau.
Salim: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |