Sa pagtataguyod ng China Radio International, idinaos ngayong araw sa Huangshan, lalawigang Anhui sa silangan ng Tsina, ang isang porum na nilahukan ng mga kinatawan mula sa media ng Tsina at mga bansang ASEAN. Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa ibayo pang pagpapatingkad ng mga papel ng media sa pagpapasulong ng pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Iminungkahi ng mga kinatawan na ibayo pang palakasin ng media ng Tsina at mga bansang ASEAN ang pagpapalitan at pagdadalawan, at dagdagan ang pagkober sa mga ulat hinggil sa kabuhayan, kalakalan, kultura, at pagpapalagayan ng mga mamamayan, para palalimin ang pag-uunawaan, pagpapalitan, at pagtutulungan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Salin: Liu Kai