Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ibayong pagsasanay ng pulisya sa bansa, kailangan

(GMT+08:00) 2015-10-26 18:23:30       CRI

MALAKI ang pangangailangang magpatuloy ang pagsasanay ng mga tauhan ng pulisya sa bansa upang higit na makatugon sa pangangailangan ng lumalaking bilang ng mga mamamayan.

MARAMING NAG-AARAL NG CRIMINOLOGY NGAYON.  Ito ang sinabi ni Dr. Gerry Caño, pangulo ng Professional Criminologists Association of the Philippines sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat".  Mayroong 568 paaralan sa buong bansa na naglilingkod sa may 211,000 mga mag-aaral.   Sa bilang na ito, may 63,000 ang may B. S. Criminology degree sa Philippine National Police na mayroong 150,000 tauhan sa bansa.  Na sa dulong kaliwa si Atty. Ramil Gabao, Chairman ng Board of Criminology sa Professional Regulatory Board, CSupt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng Philippine National Police at Sky Ortigas (dulong kanan, co-host sa Tapatan)  (Melo M. Acuna)

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga, sinabi ni Dr. Gerry Caño, dekano ng College of Criminal Justice sa PHINMA Educational Network sa Cagayan de Oro City na daang-libo ang nakatalang mga mag-aaral sa 568 paaralang pag-aari ng pamahalaan at ng mga pribadong grupo sa iba't ibang bahagi ng bansa. Si Dr. Caño ang pangulo ng Professional Criminilogists Association of the Philippines.

Mayroong 211,000 mga mag-aaral ngayon sa B. S. Criminology program at ayon sa Professional Regulatory Commission, mayroong 119,000 mga lisensyadong criminologists. Mayrong 63,000 mga nagtapos ng Criminology ang nasa Philippine National Police.

Para kay Atty. Ramil Gabao, chairman ng Board of Criminology ng Professional Regulatory Commission, umaabot lamang sa 30 hanggang 32% ng mga kumukuha ng licensure exam ang nakakapasa. Ipinaliwanag niyang maaaring mataas ang pamantayan at hindi basta maibababa ito sapagkat bababa naman ang standards ng mga magkaka-lisensya.

Sa Philippine National Police, may 63,000 mula sa 150,000 tauhan ang nakatapos ng B. S. Criminology. Ang mga hindi nakakapasa sa mga pagsubok ng Professional Regulatory Commission ay nakakapasok sa mga security and investigation companies na nag-aalok din ng maayos na hanapbuhay.

MAY SAPAT NA OPORTUNIDAD ANG MGA CRIMINOLOGY GRADUATES.  Ipinaliwanag ni CSupt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng Philippine National Police na mayroong equal opportunity ang nagtapos ng Criminology at mga nagtapos ng ibang kurso tulad ng dumaan sa Philippine National Police Academy.  Kailangang makapasa sa mga requirements tulad ng neuro-psychiatric screening, medical exams at academic screening bago maging kasama ng pampansang pulisya.  (Melo M. Acuna)

Ipinaliwanag naman ni Chief Supt. Noel A. Barraceros, Director ng Center for Police Strategy Management, na mayroong palatuntunang nakalaan para sa pagbabago ng pulisya na hanggang taong 2030. Magaganap ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na kagamitan, pagsasanay, mga sasakyan at pagbabago ng kaisipan ng mga tauhan ng pulisya. Kailangan ito upang mabawasan ang kakaibang pananaw ng mga mamamayan.

Ayon naman kay Engr. Alberto Suansing, dating pangulo ng Confederation of Truckers Associations of the Philippines at dating hepe ng Land Transportation Office at chairman ng Land Transport Franchising Regulatory Board, madalas na nakakaharap ng mga tsuper ang mga Police Officer 1 at sa mata ng publiko, pare-pareho na lamang ang imahen ng pulis sa nakalipas na ilang taon.

Sa kanyang karanasan, may mga Police Officer 1 na nasasangkot sa katiwalian sa pag-aakalang hindi makararating na kinauukulan ang kanilang ginagawa sa labas ng himpilan.

Para kina Atty. Gabao at Dr. Caño, iba talaga ang kalagayan sa paaralan kaysa labas ng mga dalubhasaan sapagkat ang environment o kapaligiran. Sa paaralan, tanging ideal situation ang kanilang kinakaharap subalit nagbabago ito sa oras na lumabas na sila ng paaralan at maglilingkod na sa mga mamamayan.

Ipinaliwanag ni Chief Supt. Wilben Mayor na mahalaga rin ang tulong na mula sa mga pamahalaang lokal sapagkat ang pagkakaroon ng magandang mga gusali para sa kanilang mga tanggapan ay karaniwang ibinibigay ng mga pamahalaang lokal. May mga pamahalaang lokal na nagbibigay ng dagdag na allowances para sa gasolina at maging mga bagong sasakyang magagamit ng mga pulis sa kanilang trabaho.

Bilang karagdagan, mayroong kaukulang mekanismo ang pambansang pulisya na tumanggap ng mga hinaing ng mga mamamayang naabuso ng kanilang mga tauhan. Nanawagan si Chief Supt. Mayor sa publiko na magbigay lamang ng sapat na ebidensya at kaukulang aksyon ang kanilang gagawin. Malaki ang pagkakaiba ng sibilyan kaysa sa militar sapagkat sa sistemang sibilyan, mayroong due process samantalang sa militar ay diretso na ang pagsususpinde samantalang mayroong imbestigasyong ginagawa ang tanggapan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>