Sa kanyang talumpati sa simposyum ng Tsina, Hapon, at Timog Korea na idinaos ngayong araw sa Beijing, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na dadalo si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa ika-6 na pulong ng mga lider ng Tsina, Hapon, at Timog Korea, at bibiyahe siya sa Timog Korea. Umaasa aniya ang panig Tsino na matatamo ng nasabing pulong ang positibong bunga para mapasulong ang pagpapanumbalik sa normal ng kooperasyon ng tatlong bansa.
Ani Wang, ang Tsina, Hapon, at Timog Korea ay mga mahalagang bansa sa Asya, at pangunahing ekonomy sa Silangang Asya. Isinasabalikat aniya ng tatlong bansa ang mahalagang responsibilidad ng pangangalaga sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran, at kasaganaan ng rehiyong ito. Kung talagang nais isakatuparan ang nakatakdang target ng pagtatatag ng East Asia Economic Community sa taong 2020, dapat mataimtim na isaalang-alang ng naturang tatlong bansa ang tumpak na direksyon ng kanilang kooperasyon.
Salin: Li Feng