Kasalukuyang idinaraos sa Kuala Lumpur, Malaysia ang isang serye ng pulong ng mga Ministrong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng mga bansang Silangang Asya, mula ika-22 hanggang ika-25 ng buwang ito. Dumadalo sa pagtitipong ito ang delegasyon ng Tsina na pinamumunuan ni Gao Hucheng, Ministrong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina.
Ang nasabing mga pulong ay kinabibilangan ng Ika-14 na Ministerial Meeting ng ASEAN at Tsina(10+1), Ika-18 Ministerial Meeting ng ASEAN at Tsina, Timog Korea at Hapon(10+3), Ika-3 Ministerial Meeting ng mga kasaping bansa sa Summit ng Silangang Asya(EAS), at Ika-3 Ministerial Meeting ng Regional Comprehensive Economic Partner(RCEP).
Ayon sa ulat, tinalakay ng Tsina at ASEAN sa 10+1 meeting ang hinggil sa magkasamang pagpapasulong sa konstruksyon ng Silk Road sa Karagatan sa Ika-21 Siglo, batay sa prinsipyo ng magkasamang pagsasagawa ng negosasyon, magkasamang pagpapasulong ng konstruksyon, at magkasamang pagtatamasa ng bunga. Bukod dito, pinag-usapan din ang tungkol sa nakatakdang pagtatapos ng talasatasan hinggil sa upgrading ng Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN(CAFTA), bago katapusan ng kasalukuyang taon. Kasama rin sa mga tinalakay ang walong hakbangin hinggil sa pragmatikong pagtutulungan ng dalawang panig na itinataguyod ng Tsina. Narating ng dalawang panig ang pagkakasundo hinggil dito.