Hanggang sa ngayon, matapos ang napakalakas na lindol na naganap sa rehiyong Hindu Kush Mountains ng Afghanistan, umabot sa mahigit 300 katao ang nasawi sa Pakistan, Afghanistan, at iba pang bansa, at ikinasugat ng mahigit isang libo iba pa.
Ayon sa panig opisyal ng Pakistan ngayong araw, 228 katao ang nasawi, at 1200 hanggang 1800 iba pa ang nasugatan sa nasabing lindol. Ayon naman sa panig opisyal ng Afghanistan, di-kukulangin sa 90 katao ang namatay sa lindol, at ilang daan iba pa ang nasugatan.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ang pakikiramay sa mga apektadong mamamayan ng Afghanistan at Pakistan. Aniya, aktibong naghahanda ang iba't-ibang organo ng UN para magkaloob ng tulong sa naturang dalawang bansa sa anumang sandali.
Salin: Li Feng