Inilipat kahapon ng umaga ng World Health Organization (WHO) ang 4 na serye ng pangkagipitang pasilidad na medikal at unang pangkat ng relief fund na nagkakahalaga ng 170 libong dolyares sa nilindol na purok sa Nepal.
Sinabi ni Poonam Khetrapal Singh, Regional Director ng WHO South-East Asia Region, na sa loob ng ilang oras pagkaganap ng lindol, naipadala na ang naturang kagamitang medikal. Ito aniya ay maaring magkaloob ng serbisyo sa 40 libong mamamayan, sa 3 buwan. Sa kasalukuyan, ang naturang mga pasilidad na medikal ay ipinadala na sa mga ospital sa Nepal para sa paggamot ng mga nasugatan.
Inulit din ni Singh, na sa kasalukuyang mapanganib at pangkagipitang panahon, ipagkakaloob ng WHO, sa abot ng makakaya, ang tulong sa mga nilindol na purok sa Nepal.
Salin: Vera