Naapektuhan ng malakas na lindol sa Nepal ang ilang county sa Rehiyong Awtonomo ng Tibet ng Tsina na gaya ng Nielamu, Jilong at Dingri. Hanggang sa kasalukuyan, 25 katao sa Tibet ang namatay sa lindol, 4 ang nawawala, at 383 iba pa ang nasugatan. Halos 300 libong mamamayan ang naapektuhan ng lindol sa magkakaibang digri.
Nitong nakalipas na ilang araw, magkakasunod na nakidalamhati sa mga apektadong mamamayan sa Tibet ang Beijing, Shanghai, Lalawigang Jilin, Lalawigang Qinghai at iba pang lalawigan, at nag-abuloy ng pondong panaklolo sa mga nilindol na purok.
Ayon sa opisyal ng Tibet, hanggang sa kasalukuyan, 13 grupong medikal na binubuo ng 180 tauhang medikal ang nagsasagawa ng paggamot at pagpigil sa pagpapalaganap ng epidemiya sa mga nilindol sa purok.
Salin: Vera