Sa kanyang pakikipag-usap kahapon kay Max Baucus, Embahador ng Amerika sa Tsina, ipinahayag ni Zhang Yesui, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina ang solemnang representasyon at protesta tungkol sa pagpasok ng warship ng Amerika sa karagatang malapit sa mga isla sa Nansha Islands.
Ipinahayag ni Zhang na ang aksyong ito ng Amerika ay para ipakita ang kaniyang malakas na armadong dahas, sa ngalang di-umano ng pangangalaga sa malayang paglalayag at pagpapalipad sa South China Sea. Ipinalalagay aniya ng Tsina na ito ay isang di-responsableng aktibidad na hindi lamang nagbabanta sa lehitimong paglalayag at pagpapalipad ng ibat-ibang bansa sa karagatang ito, kundi makakasama rin sa katatagan ng rehiyon.
Hinihimok aniya ng Tsina ang Amerika na seryosong harapin ang mga katugong paninindigan ng Tsina, itigil ang anumang aksyong posibleng magbanta sa soberanya at seguridad ng Tsina, tupdin ang pangakong hindi ipakita ang paninindigan sa isyung may-kinalaman sa soberanya at teritoryo sa pagitan ng mga bansa, at pangalagaan ang relasyong Sino-Amerikano at katatagang panrehiyon.