Sa Phnom Penh, Kambodya-Binuksan dito kahapon ang Porum ng Tsina at Kambodya hinggil sa Silk Road sa Karagatan sa Ika-21 Siglo.
Si Bu Jianguo, Embahador ng Tsina sa Kambodya
Sa kanyang talumpati sa pagtitipon, ipinahayag ni Bu Jianguo, Embahador ng Tsina sa Kambodya na positibo ang Tsina sa pagpapasulong ng pakikipagtulungan sa Kambodya, batay sa balangkas ng "Belt and Road Initiative" na itinataguyod ng Tsina. Aniya, suportado ng Tsina ang pamumuhunan ng mga bahaykalakal na Tsino sa mga bansa sa kahabaan ng nasabing inisyatibo. Samantala, hinihintay aniya ng Tsina ang pagsapi ng mga bahaykalakal na Kambodyano sa usaping ito.
Si Sun Chanthol, Ministro ng Komersyo ng Kambodya
Ipinahayag naman ni Sun Chanthol, Ministro ng Komersyo ng Kambodya na positibo ang kaniyang bansa sa nasabing inisyatibo at pagtatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank, at ito ay angkop sa interes ng kanyang bansa.