Si Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina
"Walang duda ang soberanya ng Tsina sa mga isla sa Nansha Islands." Ito ang muling ipinahayag kahapon ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon na idinaos kahapon sa Beijing.
Sinabi ni Lu Kang na ang pagpasok ng warship ng Amerika sa karagatang malapit sa Nahsha Islands ang banta sa soberanya at seguridad ng Tsina. Samantala, ito aniya ay probokasyong pulitikal laban sa Tsina.
Ani Lu, suportado ng Tsina ang paglutas sa mga hidwaan sa pagitan ng ibat-ibang bansa, kabilang ang Amerika, sa pamamagitan ng diyalogo.