Dumating kaninang tanghali sa Seoul, Timog Korea, si Premyer Li Keqiang ng Tsina, para pasimulan ang opisyal na pagdalaw sa bansang ito.
Sa paliparan, sinabi ni Li na inaasahan niya ang pakikipagpalitan ng palagay sa mga lider na T.Koreano hinggil sa ibayo pang pagpapalalim ng estratehiko at kooperatibong partnership ng dalawang bansa. Aniya pa, ang pagdalaw na ito ay naglalayong palakasin ang pagkakaibigan at pagtitiwalaan ng Tsina at T.Korea, at palawakin ang pagpapalitan at pagtutulungan, para pasulungin sa mas mataas na antas ang pangkapitbansaang pagkakaibigan at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai