Mula huling araw ng buwang ito hanggang ika-2 ng susunod na buwan, dadalaw sa Timog Korea si Premyer Li Keqiang ng Tsina, at dadalo rin siya sa Seoul sa Ika-6 na Summit ng Tsina, Hapon, at T.Korea.
Kaugnay ng biyaheng ito, sinabi kahapon ni Pangalawang Ministrong Panlabas Liu Zhenmin ng Tsina, na ang pagdalaw ni Premyer Li sa T.Korea ay ang unang opisyal na pagdalaw sa bansang ito bilang premyer Tsino. Ito aniya ay naglalayong pasulungin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa, at kanilang people-to-people exchange.
Pagdating naman sa summit ng Tsina, Hapon, at T.Korea na idaraos sa Seoul, sinabi ni Liu na ito ang pagpapanumbalik ng summit na ito, pagkaraan ng tatlong taong suspensyon. Ani Liu, ang muling pagdaraos ng summit na ito ay mahalaga para sa kooperasyon ng naturang tatlong bansa, kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito, at pag-unlad ng kabuhayan ng Asya at maging sa daigdig.
Dagdag pa ni Liu, ang pagpapanumbalik ng naturang summit ay hindi nangangahulugang may pagbabago ang paninindigan ng Tsina sa mga isyung may kinalaman sa Hapon. Aniya, patuloy na hinihiling ng Tsina sa pamahalaang Hapones na ipakita ang positibong atityud sa isyung pangkasaysayan, at iba pa.
Salin: Liu Kai