Idinaos kahapon sa Seoul, Timog Korea, ang Ika-10 Pulong ng mga Ministro ng Kabuhayan at Kalakalan ng Tsina, Hapon, at T.Korea.
Ayon kay Zhong Shan, kalahok na Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, sinang-ayunan ng tatlong bansa na palawakin ang kanilang kooperasyon sa pamumuhunan at kalakalan, pasulungin ang mga plano ng integrasyong panrehiyon na gaya ng kasunduan sa malayang kalakalan ng tatlong bansa at Regional Comprehensive Economic Partnership, at palakasin ang koordinasyon at kooperasyon ng tatlong bansa sa ilalim ng mga rehiyonal at multilateral na banglakas.
Sinabi rin ni Zhong na positibo ang Hapon at T.Korea sa mga mungkahi sa kooperasyon na iniharap ng panig Tsino, gaya ng pag-anyaya sa Hapon at T.Korea na lumahok sa pagpapasulong ng "Silk Road Economic Belt at 21st-Century Maritime Silk Road" initiative, pagpapalakas ng rehiyonal at multilateral na kooperasyon, pagkakaroon ng kooperasyon sa production capacity, at iba pa.
Salin: Liu Kai