Iniulat ngayong araw ng media ng Thailand na, sa termino ni Yingluck Shinawatra, dating Punong Ministro ng Thailand, isinagawa niya ang maling proyekto na nagdulot ng malaking kapinsalaan sa bansa. Kaya kamakailan, pinapaplano ng pamahalaan ng Thailand na ipapalabas ang isang kautusan na babawi sa ari-arian ni Yingluck Shinawatra bilang kompensasyon sa bansa.
Bilang reaksyon, ipinalabas ngayong araw ni Yingluck Shinawatra ang isang liham sa Facebook na nanawagan kay Prayut Chan-ocha, Punong Ministro ng Thailand, na dapat maingat na isaalang-alang ang kautusang ito. Ipinahayag ni Yingluck na hindi gumawa ang korte ng hatol, kaya di-makatarungan ang paghingi ng kompensasyon sa kanya.
Salin:Sarah