Sa regular na preskon kahapon dito sa Beijing, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na laging iginagalang at pinangangalagaan ng kanyang bansa ang kalayaan sa paglalayag at paglipad ng iba't ibang bansa ayon sa pandaigdig na batas.
Ipinahayag ni Hua ang nasabing paninindigan bilang tugon sa ulat na si Ashton Carter, Kalihim ng Tanggulang-bansa ng Estados Unidos ay nakatakdang sumakay nang araw ring iyon sa USS Theodore Roosevelt at maglayag sa South China Sea malapit sa Malaysia. Ang aksyon ni Carter ay para maisakatuparan ng Amerika ang di-umano'y pangako nito sa pangangalaga sa kalayaan sa nabigasyon.
Ipinagdiinan ni Hua ang pagtutol sa pagtatangka ng anumang panig na militarisahin ang South China Sea sa pangangatwiran ng kalayaan ng nabigasyon.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio