Ipinahayag kahapon ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa ika-10 pulong ng mga mataas na opisyal ng Tsina at ASEAN hinggil sa pagpapatupad ng Declaration on the Conducts of Parties in the South China Sea (DOC), inisyal na tinalakay at narating ng mga kalahok ang dalawang bukas na dokumento. Ito aniya ay isang palatandaang patuloy na matatamo ng Tsina at iba't-ibang bansang ASEAN ang positibong progreso sa "Code of Conduct in the South China Sea (COC)."
Ang naturang dalawang bukas na dokumento ay kinabibilangan ng "Listahan ng mga Mahalaga at Masalimuot na Problema" at "Listahan ng mga Elemento para sa Panukalang Balangkas ng COC."
Salin: Li Feng