Nagperform ang Bayanihan Dance Company sa seremonya ng pagbubukas ng 14th Asia Arts Festival sa Quanzhou, Fujian, Tsina.
Sinimulan kahapon ang 14th Asia Arts Festival at 2nd Maritime Silk Road International Arts Festival sa Quanzhou, lalawigang Fujian, Timog silangang Tsina. tatagal ito hanggang ika-15 ng buwang ito.
Magtatanghal ng mga 80 palabas sa mga komunidad, kompanya, paaralan, kanayunan, at iba pang lugar ang mga artista mula sa mahigit 40 bansa at rehiyon.
Ayon kay Luo Shugang, Ministro ng Kultura ng Tsina, unti-unting lumalaki ang saklaw ng nasabing pestibal, at lumalawak din ang impluwensiya nito. Ito aniya ay naging mahalagang plataporma para sa pagtatanghal ng mga bunga sa sining, pagpapayaman ng pamumuhay ng mga mamamayan, at pagpapasulong ng pagpapalitan at pagtutulungan ng iba't ibang bansa ng Asya.
Ang tema ng nasabing pestival ay "Bonding with Asia, Exploring the Legacies of Maritime Silk Road!" Ito'y hindi lamang magtitipon sa diwa ng kultura ng silk road, kundi lilikha ng bagong kalagayan ng pagpapalitang kultural sa bagong panahon.