Antalya, Turkey---Sa kanyang pagdalo sa di-opisyal na pananghalian ng mga Ministrong Panlabas ng G20, ipinahayag kahapon ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, ang mahigpit na pagkondena sa serye ng teroristikong pagsalakay sa Pransya. Aniya, kinakatigan ng Tsina ang pangangalaga ng Pransya sa katiwasasyan at katatagan. Buong tatag din aniyang kumakatig ang Tsina sa pagpuksa sa lahat ng teroristikong aktibibad.
Nananawagan aniya ang Tsina para sa magkakasamang paglaban ng komunidad ng daigdig sa terorismo, at pag-iwas ang paggamit ng double standard. Aniya, dapat lubos na gumanap ang UN ng namumunong papel para maitatag ang united front laban sa terorismo.
Ayon pa kay Wang, ang Tsina din ay biktima ng terorismo. Ang paglaban sa Eastern Turkestan Islamic Movement ay mahalagang bahagi ng pakikibaka ng buong daigdig laban sa terorismo, dagdag niya.
Salin: Andrea