Kahapon ang ikatlong araw ng Pandaigdig na Summit sa Pakikibaka laban sa Terorismo. Ang mga kinatawan mula sa mahigit 60 bansa at organisasyong pandaigdig ay patuloy na nagtalakayan hinggil sa pagbibigay-dagok sa ekstrimismo at terorismo sa kasalukuyang situwasyong pandaigdig.
Sa kanyang talumpati, nanawagan si Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations sa komunidad ng daigdig na magbuklod para magkakasamang bigyang-dagok ang ekstrimismo at terorismo batay sa Resolution 2178 na pinagtibay ng UN Security Council noong Setyembre, 2014.
Sa pahayag na ipinalabas makaraang matapos ang Summit, ipinahayag ng mga kalahok na magpupulong sila sa punong himpilan ng UN sa New York sa Setyembre, 2015.
Salin: Jade