Ipinahayag kamakailan ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na dadalo si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa serye ng summit na nakatakdang idaos sa Kuala Lumpur, Malaysia, mula ika-20 hanggang ika-23 ng buwang ito. Kabilang sa mga ito aniya ay ika-18 Summit ng ASEAN at Tsina(10+1), ika-18 Summit ng ASEAN at Tsina, Timog Korea at Hapon(10+3), at ika-10 Summit ng Silangang Asya. Samantala, opisyal din aniyang dadalaw sa Malaysia si Premyer Li, sa paanyaya ni Punong Ministrong Najib Razak ng bansang ito.
Ipinahayag ni Hong na sa pagtitipong ito, umaasa ang Tsina na ibayo pang mapapahigpit ang kooperasyon ng Silangang Asya, pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at ASEAN, at komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Malaysia.