"Suportado ng Tsina ang kooperasyon ng malalaking bahay-kalakal na Tsino sa Indonesya. Mayaman ang karanasan ng Tsina sa pagtatatag at pagpapatakbo ng high-speed railway." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina hinggil sa pagtanggap ng Indonesya sa planong iniharap ng Tsina sa pagtatatag ng high-speed railway.
Ani Hong, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Indonesya para palawakin ang pragmatikong pagtutulungan sa larangan ng imprastruktura at produktibong kakayahan.