Ipinahayag ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na nagpahayag ang panig Tsino ng kawalang-kasiyahan sa ginawa kamakailan ng panig Hapones sa isyu ng South China Sea (SCS). Hinimok aniya ng panig Tsino ang panig Hapones na itigil ang walang batayang pagbatikos nito sa isyung ito.
Sa panahon ng G20 Summit, patuloy ang pagpapahayag ng panig Hapones ng pagkabahala nito sa aktibidad ng Tsina sa SCS. Ipinahayag din ng panig Hapones na igagarantiya ang pangangasiwa alinsunod sa batas sa dagat.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Hong na ang Hapon ay bansang walang kinalaman sa isyu ng SCS, at dapat aniyang magtimpi ang Hapon sa isyung ito. Ang may-kinalamang pananalita at aksyon ng panig Hapones ay hindi angkop sa kasalukuyang tunguhin ng pagpapabuti ng relasyong Sino-Hapones, at ito rin ay hindi nakakabuti sa katatagan at kaunlaran ng rehiyong ito, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng