Sa Ika-11 Beijing-Tokyo Forum, aktibidad sa di-pampamahalaang antas ng Tsina at Hapon na nagtatampok sa relasyon ng dalawang bansa, na idinaos kahapon sa Beijing, tinukoy ni Fu Ying, Direktor ng Komite sa Suliraning Panlabas ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, na kailangang tingnan ang relasyong Sino-Hapones batay sa mas bukas na pananaw.
Sinabi ni Fu na habang hinahawakan ang relasyong Sino-Hapones, hindi dapat isaalang-alang lamang ng kapwa bansa ang mga isyu batay sa sariling pananaw, at dapat gamitin ang pananaw mula sa rehiyonal na kooperasyon ng Silangang Asya. Aniya, nagbigay minsan ang kapwa Tsina at Hapon ng malaking ambag sa naturang kooperasyon, pero nakakaapekto dito ang kasalukuyang tensyon sa relasyon ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Fu, ipinalalagay ng Tsina na ang kooperasyon, sa halip ng mga pinag-aagawang isyu, ay dapat maging pangunahing paksa sa rehiyon ng Silangang Asya. Isinasagawa rin aniya ng Tsina ang mga hakbangin para pasulungin ang rehiyonal na kooperasyon. Nanawagan siya sa Hapon na gamitin ang mas bukas at kooperatibong pananaw, para pabutihin ang relasyong Sino-Hapones, at pasulungin ang kooperasyon sa rehiyong ito.
Salin: Liu Kai