Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang aktibidad ng paggagalugad ng panig Tsino ng langis at natural gas sa East China Sea ay isinasagawa sa walang alitang rehiyong pandagat sa ilalim ng pangangasiwa ng Tsina, at walang karapatan ang panig Hapones na magsalita ng kung anu-ano hinggil dito.
Iniharap kamakailan ng Chief Secretary ng Gabinete at Ministring Panlabas ng Hapon ang protesta sa panig Tsino tungkol sa patuloy na pagpapasulong ng Tsina ng paggagagulad ng 4 na oil and gas field sa paligid ng medium line ng Tsina at Hapon sa East China Sea. Ikinalungkot nila ang pagsasagawa ng paggagalugad ng yaman sa rehiyong pandagat na di pa tiyak ang hanggahan. Humiling silang magsanggunian batay sa kasunduan ng Tsina at Hapon hinggil sa magkasamang paggagalugad ng oil and gas filed na nilagdaan noong 2008.
Kaugnay nito, sinabi ni Hong na ang tikis na pagmamalaki ng panig Hapones sa mga kinauukulang isyu ay hindi makakatulong sa pagsasagawa ng dalawang bansa ng diyalogo at kooperasyon sa mga isyung may kinalaman sa East China Sea. Umaasa aniya siyang sasariwain ng panig Hapones ang mga kinauukulang kilos nito, batay sa diwa ng apat na simulain at komong palagay na narating na kapuwa panig noong isang taon.
"Hindi nagbabago ang paninindigan ng panig Tsino sa pagpapahalaga sa pagpapatupad ng simulain at komong palagay, at ang susi ay dapat lumikha ang panig Hapones ng mainam na kondisyon at atmospera para sa pagpapatupad ng simulain at komong palagay," dagdag pa ni Hong.
Salin: Vera