Gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia, ang Ika-27 ASEAN Summit mula ika-18 hanggang ika-22 ng kasalukuyang buwan. Sa ilalim ng maraming taong pagsisikap ng mga kasaping bansang ASEAN, sa naturang summit, may pag-asang maitatatag ang komunidad ng ASEAN sa malapit na hinaharap. Ipinahayag ng lahat ng bansang ASEAN na handa na sa kabuuan ang mga gawain para sa pagtatatag ng komunidad ng ASEAN.
Ang komunidad ng ASEAN ay mayroong tatlong bahaging kinabibilangan ng komunidad ng seguridad ng ASEAN, komunidad ng kabuhayan ng ASEAN, at komunidad ng lipunan at kultura ng ASEAN.
Kaugnay ng di-balanseng lebel ng pag-unlad ng kabuhayan ng iba't-ibang kasaping bansang ASEAN, ipinaliwanag ni Vitavas Srivihok, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Thailand, na ang pagtatatag ng nasabing komunidad ay isang proseso, sa halip ng isang madaliang pangyayari.
Ipinahayag din ni Majid Ahmad Khan, Puno ng Samahan para sa Pagkakaibigan ng Malaysia at Tsina, na handa na ang kanyang bansa para maitatag ang komunidad ng ASEAN. Kinakailangan pa rin ng pagsasakatuparan ng target na ito ang mahabang panahon, aniya pa.
Salin: Li Feng