Si Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina
Isinapubliko kahapon sa news briefing ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina ang hinggil sa biyahe ni Premyer Li Keqiang sa Kuala Lumpur para sa mga kumperensiya ng Silangang Asya at pagbisita sa Malaysia. Ipinahayag ni Liu na kasalukuyang nananatiling matatag ang kalagayan ng Silangang Asya, at pinapasulong ang pagtutulungang panrehiyon. Nakinabang aniya ang mga mamamayan mula rito. Samantala, pinapabilis aniya ang integrasyong panrehiyon, at maitatatag ang komunidad ng ASEAN sa katapusan ng kasalukuyang taon.
Sinabi ni Liu na sa pulong ng Silangang Asya, lalagumin ng mga kalahok ang hinggil sa natamong bunga ng kooperasyon ng Silangang Asya, sa taong 2015, at tatatakayin din nila ang pag—unlad ng ibat-ibang mekanismong pangkooperasyon ng rehiyon. Samantala, ipapaliwanag din aniya ni Premyer Li ang paninindigan ng Tsina sa pagtutulungan ng Silangang Asya at ihaharap ang mga bagong inisyatibo sa pagpapasulong ng pragmatikong pagtutulungan ng rehiyon. Nang mabanggit ang pagdalaw sa Malaysia, sinabi ni Liu na bilang kauna-unahang biyahe ni Premyer Li sa Malaysia, ito ay may mahalagang katuturan para mapasulong ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Malaysia.