|
||||||||
|
||
Sa panukalang pambansang budget na ipinatalastas kamakailan ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia, ipinahayag niya ang pagbibigay ng e-visa sa mga turista mula sa Tsina, Myanmar, India, Nepal, Sri Lanka, Amerika, at Canada, sa taong 2016.
Sinabi pa ng Malay PM, na aabot sa 1.2 bilyong Ringgit(282 milyong dolyares) ang tourism appropriation ng pamahalaan sa taong 2016. Ito aniya ay para makuha ang 103 bilyong Ringgit(24.2 bilyong dolyares) na kita, mula sa industriya ng turismo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |