|
||||||||
|
||
Sa kanyang pagdalo sa Ika-18 Pulong ng mga Lider ng Tsina at ASEAN (10+1), sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na dapat i-ugnay ng mga bansa ang kani-kanilang estratehiya ng pag-unlad at pataasin ang pangkalahatang lebel ng pag-unlad ng rehiyong ito para pasulungin ang pangmatagalang kapayapaan at kasaganaan ng Silangang Asya.
Magkasamang pinanguluhan nina Li at kanyang counterpart na si Najib Razak ng Malaysia ang nasabing pulong. Tinalakay ng mga kalahok na lider ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN, at pag-unlad ng rehiyong ito.
Upang pasulungin ang pangmatagalang kapayapaan at kasaganaan ng Silangang Asya, iniharap ng Premyer Tsino ang mga sumusunod na mungkahi:
Una, ibayo pang pasusulungin ang konstruksyon ng mga mekanismo ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN.
Ikalawa, pabibilisin ang pagtataas ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig.
Ikatlo, pasulungin ang pag-uugnay ng "Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road" o "One Belt One Road" initiative sa mga estratehiya ng pag-unlad ng mga bansang ASEAN.
Ikaapat, isasagawa ang kooperasyon sa pagpapataas ng kakayahan sa pagpopordyus sa industriya, enerhiya, komunikasyon at imprastruktura.
Ikalima, patataasin ang lebel ng kooperasyong panseguridad.
Ikaanim, pasusulungin ang sustenableng pag-unlad ng rehiyong ito.
Nagbigay ang mga lider ng bansang ASEAN ng positibong pagtasa sa bunga ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN. Ipinalalagay nila na ang pag-unlad ng Tsina ay nakakabuti sa katatagan at kaunlaran ng buong rehiyon. Pinasalamatan din nila ang pagkatig ng Tsina sa pangunahing papel ng ASEAN sa koopersyong pangrehiyon, konstruksyon ng ASEAN Community, at pag-unlad ng mga bansang ASEAN.
Ipinalalagay din nila na mas marami ang komong kapakanan ng Tsina at mga bansang ASEAN kaysa sa mga hidwaan sa pagitan nila.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |