Lumisan Biyernes ng tanghali ng Beijing si Premyer Li Keqiang ng Tsina, papuntang Kuala Lumpur, Malaysia.
Sa kanyang biyaheng ito, dadalo si Li sa Ika-18 Summit ng Tsina at ASEAN, Ika-18 Summit ng ASEAN, Tsina, Hapon, at Timog Korea, at Ika-10 Summit ng Silangang Asya. Magsasagawa rin siya ng opisyal na pagdalaw sa Malaysia.
Tinukoy ng may kinalamang diplomatang Tsino, na sa pamamagitan ng biyaheng ito, gusto ng Tsina na isulong ang integrasyon ng Silangang Asya, at pasiglahin ang kooperasyong panrehiyon.
Salin: Liu Kai