Kaugnay ng kanyang gagawing pagdalaw sa Malaysia, ipinalabas noong Biyernes ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang artikulo sa mga pahayagan ng Malaysia na gaya ng The Star, New Straits Times, Sin Chew Daily, Berita Harian, at iba pa.
Sa artikulo, tinukoy ni Li na ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ay isang mahalagang bahagi sa kasaysayan at kasalukuyang relasyon ng Tsina at Malaysia. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Malaysia, na puspusang isagawa ang kooperasyon sa production capacity, palakasin ang kooperasyon sa pagpapaunlad ng mga industrial park, at pasulungin ang konstruksyon ng imprastruktura. Ang mga ito aniya ay para magdulot ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at magpasigla sa kabuhayan ng Silangang Asya.
Pagdating naman sa relasyong Sino-ASEAN, tinukoy ni Li, na ang relasyong ito ay mahalaga para sa rehiyonal na kapayapaan, katatagan, kaunlaran, at kasaganaan. Aniya, sa harap ng mga epektong dulot ng mahinang kalagayang pangkabuhayan, at mga hamon sa tradisyonal at di-tradisyonal na seguridad, dapat palakasin ng Tsina at mga bansang ASEAN ang kooperasyon, isaisang-tabi ang mga pagkakaiba, at patatagin ang pangkalahatang kalagayan ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai