|
||||||||
|
||
Sa isang pahayag na ipinalabas kamakailan, pinasalamatan ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, ang pagkakaloob ng Tsina ng pondo para sa patuloy na paghahanap ng MH370.
Nang kapanayamin ng mamamahayag kagabi, ipinahayag din ni Annette Clark, Director of the Joint Agency Coordination Center (JACC) on the Search of MH370, ang pasasalamat ng Australia sa pagkakaloob ng Tsina ng 20 milyong Australia Dollar para sa paghahanap ng MH370.
Bukod dito, sa kanyang pakikipagtagpo noong ika-21 ng buwang ito, sa Kuala Lumpur, kay Malcolm Turnbull, Punong Ministro ng Australia, ipinahayag ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina na ipagkakaloob ng kanyang bansa ang 200 milyong Australia Dollars para pasulungin ang pagpapatuloy ng paghahanap ng MH370.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |