Ayon sa Indonesian media kahapon, sisimulang itatag ang high-speed rail mula Jakarta hanggang Bandung ng Indonesia mula ika-2 kuwarter ng susunod na taon. Ayon sa ulat, kasalukuyang ginagawa ang lahat ng paghahanda tungkol sa konstruksyon ng nasabing high-speed rail.
Ipinahayag kamakailan ng punong manager ng bahay-kalakal na ari ng Indonesia, na umabot sa 5.5 bilyong dolyares ang pamumuhunan sa nasabing high-speed rail, ito aniya ay tinasa ng consulting company ng Tsina.
Noong ika-16 ng Oktubre 2015, opisyal na nilagdaan sa Jakarta ng asosyasyon ng mga bahay-kalakal na ari ng estado ng Indonesia at asosyasyon ng mga bahay-kalakal ng Tsina ang kasunduan ng pagtatatag ng joint-investment company ng Tsina at Indonesia. Sila ang mamamahala sa konstruksyon at operasyon ng proyekto ng naturang high-speed rail.
Salin: Li Feng