Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing ngayong araw kay Ryamizard Ryacudu, dumadalaw na Ministro ng Tanggulang Bansa ng Indonesia, sinabi ni Chang Wanquan, Kasangguni ng Konseho ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na narating ng mga lider ng dalawang bansa ang mahalagang komong palagay hinggil sa pagpapalalim ng komprehensibo at estratehikong partnership ng Tsina at Indonesia, at lumitaw ang mainam na tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Indonesia, para mapalakas ang estratehikong pagkokoordinahan ng dalawang hukbo, at mapasulong ang kanilang kooperasyong panseguridad sa dagat. Ito aniya ay naglalayong makapagbigay ng mas malaking ambag para sa pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng rehiyon at buong daigdig.
Sinabi naman ni Ryamizard ang pag-asang walang humpay na mapapalakas ang kooperasyon ng dalawang panig para magkasamang harapin ang banta mula sa tradisyonal at di-tradisyonal na larangang panseguriad at mapangalagaan ang kapayapaang panrehiyon.
Salin: Li Feng