Binuksan kamakalawa sa Nanning, Punong Lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, ang Ika-9 na China-ASEAN Prosecutors-General Conference. Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kinatawan mula sa mga departamento ng prokurador mula sa Tsina at 10 bansang ASEAN tungkol sa ibayo pang pagpapalakas ng komong palagay sa pagbibigay-dagok sa transnasyonal na krimen ng korupsyon, at pagpapasulong ng pandaigdigang kooperasyon sa paghahanap sa mga korakot na opisyal sa ibang bansa.
Sinabi ni Cao Jianming, Chief Procurator ng Supreme People's Procuratorate ng Tsina, na bilang mahalagang puwersa sa pagbibigay-parusa sa korupsyon at pangangalaga sa sistemang pambatas, dapat palakasin ng mga departamento ng prokurador ang pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa korupsyon sa mas mataas na lebel at mas malalim na digri. Ang tema ng nasabing pulong ay "Pandaigdigang Kooperasyon sa Paghahanap sa mga Korakot na Opisyal sa Ibang Bansa." Ito aniya ay nagpapakita ng mataas na pagpapahalaga at positibong atityud ng Tsina at mga bansang ASEAN sa ganitong kooperasyon.
Ipinalalagay ng mga kalahok na ang pagpapalakas ng nasabing kooperasyon, ay makakatulong sa mas mabisang pagbibigay-parusa at pagpigil sa korupsyon. Ito rin anila ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng komong pag-asa ng mga mamamayan ng iba't-ibang bansa sa malinis na pamahalaan at pulitika.
Salin: Li Feng