Idinaos noong Biyernes sa Paris ng pamahalaan ng Pransya ang national memorial ceremony, bilang pagluluksa sa 130 nasawi sa serye ng mga teroristikong pag-atake na naganap sa Paris noong dalawang linggong nakaraan.
Sa kanyang talumpati sa seremonya, tinawag ni Pangulong Francois Hollande ng Pransya, ang naturang mga teroristikong pag-atake na di-malilimutang pangyayari. Umiyak aniya ang buong Pransya para sa mga nabiktima.
Bukod kay Hollande, lumahok sa seremonya ang punong ministro, mga lider ng parliamento, mga ministro, at mga kinatawan ng iba't ibang partido ng Pransya. Lumahok din dito ang mga kamag-anakan ng mga nasawi, mga nasugatan, at kani-kanilang mga kamag-anakan.
Salin: Liu Kai