Ipinatalastas noong Biyernes ni Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya, na mula unang araw ng susunod na taon, pawawalang-bisa ng Rusya ang visa-free travel sa Turkey.
Ito ang isang bagong hakbanging isinagawa ng panig Ruso, pagkaraang pabagsakin ng Turkey ang isang eroplanong pandigma ng Rusya, tanggihan ang paghingi ng paumanhin kaugnay nito.
Nang araw ring iyon, sinabi naman ni Presidential Press Secretary Dmitry Peskov ng Rusya, na patuloy na isasagawa, nang walang limitasyon, ng mga eroplanong pandigma ng kanyang bansa ang operasyon kontra-terorismo sa Syria. Aniya pa, suspendido na ang lahat ng pag-uugnayang militar sa pagitan ng Rusya at Turkey.
Salin: Liu Kai