Ayon sa ulat mula sa website ng Ministring Panlabas ng Tsina, sinimulang idaos mula ngayong araw sa Beijing ang Simpoyum ng Ika-3 ASEAN Regional Forum (ARF) hinggil sa Seguridad ng Kalawakan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon ng pagdaraos ng mga kinatawan ng Tsina, Rusya, Amerika, at ASEAN ng ganitong simposyum sa balangkas ng ARF.
Sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Li Baodong, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang isyu ng seguridad ng kalawalan ay may kinalaman sa kapalaran ng buong sangkatauhan. Umaasa aniya siyang lubos na sasamantalahin ng mga kalahok ang pagkakataon, at malalimang tatalakayin ang nasabing isyu na pawang mahalaga sa lahat. Aniya, ito ay naglalayong pasulungin ang kanilang pagkokoordinahan at pagtutulungan at magkakasamang hanapin ang seguridad ng kalawakan.
Ipinahayag pa niya ang pananalig na ang nasabing simposyum ay makakatulong sa pagkakaroon ng komong palagay ng mga bansa sa rehiyong ito hinggil sa pangangalaga sa seguridad ng kalawakan, at pagpapasulong ng malusog na pag-unlad ng usapin ng mapayapang paggamit ng outer space.
Salin: Li Feng